Make your own free website on Tripod.com

Ang Aking Valentina
02/11/95 - Schadow1

Ang mahalaga ay
ika-labing apat ng Pebrero
Araw ng mga puso
ipinagdiriwang na dito
Pagbibigay ng bulaklak,
ngayon na ay naging uso
`Pagkat pagmamahal ang kanyang
tanging sinisimbolo.

Ngunit paano ito?
Pebrero ko ay kalungkutan
Pagmamahal ko sa kanya,
ay hindi dapat malaman
Siya'y aking liwanag
t'wing ako'y sa dilim'y naiiwan
Pa'no na aking buhay?
Sa dilim'y nalagas na santan.

Mata niya'y `sing ning-ning
ng bituing sa langit'y pinagpala.
Pa'no na ganda ng gabi
na sa aki'y dulot pantuwa?
Kung ang karapatan na masilayan
ito ay wala.
O, kay sakit ng pag-ibig
na sa `kin ay isinumpa!

Ngayon, tumigil ka na
aking mang-mang na puso't isip
Kalimutan na, liwanag't bituin
na gaan sa bisig
Dahil sa katotohana'y
nagtaasang mga hapis.
Mamahinga ka na sa gilid
nitong malaking bikig!

Sakim ang tadhana,
pinalaganap ang pagmamahal
Kahit ang hantong ay
hindi dapat kami magmahalan.
Aming dugo'y sa kapatid 
ng lola ang pinagmulan.
Ang aking Valentina'y 
dumaan lang na bulalakaw.